Aklan News
Lalaking nanunutok umano ng baril sa tagbaya, Ibajay, arestado; 4 baril at mga bala, nasamsam sa kanyang kubo


Nasamsam ng mga otoridad ang 4 baril, mga bala sa ikinasang search warrant operation sa Purok 6, Tagbaya, Ibajay nitong umaga, Abril 25.
Kinilala ang subject na si alyas “Aries” 33-anyos at tubong Mindoro ngunit kasalukuyang nagbabantay sa palaisdaan sa nasabing lugar.
Nakuha sa kubo ni Aries ang dalawang calibre 38, isang homemade shotgun, isang M203 Grenade Launcher at mga bala nito.
Ayon sa otoridad, ikinasa ang operasyon matapos makatanggap sila ng mga reklamo na nanunutok si Aries ng baril sa mga dumadaan sa lugar.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Ibajay PNP kasama ang 2nd Aklan Police Mobile Force Company.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Ibajay PNP ang subject.
Mahaharap si “Aries” sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading