Aklan News
Lalaking, natagpuang patay sa loob ng kwarto ng isang lodging house sa Kalibo, iniwan ng babaeng kasama


Isang lalaking wala nang buhay ang natagpuan sa loob ng isang kwarto ng lodging house kahapon sa Brgy. Pook, Kalibo.
Ayon sa bell boy ng Airport Line Pension House, dakong alas-12:55 ng tanghali nang mag check-in ang lalaking 56 anyos na taga Brgy New Buswang, Kalibo kasama ang isang babaeng mga nasa edad 40.
Pero lumabas umano ang babae mga dakong 1:30 ng hapon at naiwan sa loob ang biktima.
Pagkatapos ng tatlong oras ay kinatok na nila ang ang pinto pero hindi umano ito sumasagot.
Naghintay pa sila ng isang oras pero hindi pa rin ito lumalabas kaya nagpasya na silang buksan ang pinto.
Doon bumungad sa kanila ang katawan ng biktima na wala ng buhay habang nakahandusay sa sahig.
Pinaniniwalaang inatake ito sa puso dahil wala namang nakikitang foul play ang mga kapulisan.