Aklan News
LALAKING NATALO SA BUNONG-BRASO, NAGHAMON NG AWAY


Numancia, Aklan – Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki matapos magwala at manghamon ng away sa kanyang katunggali sa bunong-braso matapos itong matalo.
Nakilala ito na si Dan Patricio, 38 anyos at tubong Brgy. Bonza, Libacao at temporaryong nakatira sa Purok 4 Brgy. Bulwang, Numancia.
Kinilala naman ang katunggali nito na hinamon ng awat na si Joseph Ilig, 37 anyos ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng kapulisan bandang 8:15 kagabi habang nag iinuman ang dalawa ng naghamunan ng bunong-braso subalit natalo umano ang suspek.
Umuwi umano ito at kumuha ng patalim at pagbalik sinaksak si Ilig ngunit nakaiwas ito.
Naagaw nito ang patalim sa suspek at ibinigay sa kanilang landlady.
Agad namang dinala sa police station ng mga nag responding pulis ang suspek.