Connect with us

Aklan News

LALAKING UMAAWAT SA NAG-AAWAY, TINAGA

Published

on

New Washington – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong umawat sa dalawang nag-aaway na lasing pasado alas 7:00 kagabi sa District 2, Pinamuk-an, New Washington.

Kinilala ng New Washington PNP ang biktimang si Rodelino Torres, 40 anyos, at ang suspek na si Bernabe Buñe, 43 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagtatalo umano kagabi sa labas ng kanilang bahay ang suspek at kanyang bayaw na kapwa lasing nang marinig ang mga ito ng biktima.

Kasunod nito, lumabas umano ang biktima upang awatin ang dalawa, subalit kumuha ng gulok ang suspek at biglang tinaga sa kaliwang balikat si Torres.

Kaagad namang umawat ang live in partner ng biktima kasama ang iba pa nilang kapitbahay at dinala ang biktima sa presinto ng pulis para magreport.

Mabilis namang dinala sa ospital ang biktima para gamutin, habang nabatid na isinuko naman kinalaunan ng kanilang barangay chairman na si Bilmore Bonifacio ang suspek sa New Washington PNP Station.

Pansamantala siyang ikinustodiya matapos arestuhin, habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek hinggil sa insidente.