Connect with us

Aklan News

Lalaking umano’y lasing, nalunod-pat*y sa isang resort sa Lezo

Published

on

DEAD-ON-ARRIVAL sa Aklan Provincial Hospital ang isang lalaki matapos na malunod sa swimming pool ng isang resort sa bahagi ng Santa Cruz, Lezo nitong hapon ng Linggo, Hunyo 8.

‎Ayon sa MDRRMO-Lezo, nakatanggap sila ng tawag bandang alas-3:00 ng hapon.

‎Sinubukan namang i-revive ng mga rumespondeng personnel ng MDRRMO-Lezo ang biktima at isinugod pa ito sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital subalit idineklara rin itong dead-on-arrival.

‎Napag-alamang lasing umano ang lalaking biktima nang mangyari ang insidente.

‎Sa ngayon, nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Lezo PNP kaugnay ng insidente.

‎Samantala, patuloy naman inaalam ng Radyo Todo News Team ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima.| ulat ni Arvin Rompe