Connect with us

Aklan News

Lalaking umano’y may sakit na nervous breakdown, nasaksak ng gunting ang bayaw sa Numancia ‎

Published

on

‎Photo: MDRRMO-Numancia/Contributed Photos

NASAKSAK ng gunting ng isang lalaki ang kaniyang sariling bayaw, bandang alas-8:36 ng umaga nitong Miyerkules, Hunyo 18.

‎Sa impormasyon, ang lalaking may nervous breakdown ay edad 35-anyos samantala ang nasaksak namang bayaw ay edad 25-anyos.

‎Sinumpong umano ang lalaki ng kanyang sakit dahilan upang masaksak nito ang kanyang sariling bayaw sa kaliwang bahagi ng kamay.

‎Binigyan naman ng kaukulang first aid ng mga rumespondeng MDRRMO-Numancia ang biktimang bayaw at tumanggi nang magpa-hospital.

‎Samantala, isinailalim naman sa check-up ang lalaking may nervous breakdown. | Ulat ni Arvin Rompe