Connect with us

Aklan News

Lalaking umano’y nagnakaw ng cellphone, sinipa at hinila ng grupo ng kalalakihan habang pababa ng multicab

Published

on

Sinipa at hinila ng grupo ng mga kalalakihan ang isang lalaking pababa ng multicab sa bahagi ng Osmeña Ave., Brgy. Estancia, Kalibo nitong hapon ng Miyerkules.

Batay sa report, sakay umano sa multicab na mula Banga ang 22-anyos na lalaki na kinilalang si alyas, “Chris”.

Bababa na sana siya ng multicab nang bigla nalang siyang sinipa ng lalaking si alyas “Ken” at hinila ng dalawa pang mga lalaki na sina “Rino” at “Rolly”.

Sinasabing, sinundan ng tatlo si Chris dahil nalaman umano nilang siya ang nagnakaw ng cellphone ni Ken.

Kaagad namang naawat ang mga ito ng ilang mga nakatambay sa lugar.

Nagresponde naman ang mga miyembro ng Kalibo PNP at dinala ang mga sangkot sa Kalibo Municipal Police Station.

Napag-alaman na noong nakaraang Linggo ay nawala umano ang cellphone ni Ken pagkatapos ng kanilang inuman sa Brgy. Linabuan Sur, Banga kung saan nakasama rin nila si Chris.

Sa ngayon ay ini-refer na ang kaso sa Barangay Justice System para karampatang disposisyon.