Connect with us

Aklan News

Lalaking wanted sa kasong frustrated homicide, arestado

Published

on

ARESTADO ng mga kapulisan ang isang wanted person sa kasong Frustrated Homicide sa barangay Poblacion, Ibajay nitong Miyerkules.

Inaresto ang nasabing wanted person sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Vicente V. Go, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Region Branch 68, P.D. Monfort North, Dumangas, Iloilo at may petsang September 18, 2020.

Samantala, nasa P60,000.00 naman ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.