Aklan News
LALAKING WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA SA LIBACAO, ARESTADO
Arestado kaninang hapon sa Guadalupe, Libacao ang isang lalaking wanted sa kasong Rape at Sexual Assault.
Ang akusado ay 37 anyos, isang manggagawa, at residente ng Julita, Libacao.
Base sa report ng Libacao PNP, nagpapatrolya umano sila bandang alas 2:30 kahapon ng hapon kasama ang mga taga 1st Aklan Provincial Mobile Force Company papuntang Alfonso 12, Libacao at pagdating sa bahagi ng Barangay Julita, pinara umano sila ng isang residente doon at nagsumbong na nakita nito ang nasabing akusado na sakay ng isang mini dump truck.
Dahil dito, kaagad umano nilang hinabol ang dump truck hanggang sa maaresto ang akusado at pansamantalang ikinustodiya.
Nabatid na ibinaba ni Presiding Judge Bienvenido P. Barrios ang mandamyento de aresto ni Zubiaga nito lamang nakaraang Ferbruary 18, 2022, na may magkasunod na Criminal Case No.16038 para sa Rape na walang piyansa, at 16037 naman para sa Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na P200,000.