Connect with us

Aklan News

Lalawigan ng Aklan, kinilala sa Regional Anti-Drug Abuse Council Performance Awards sa Iloilo City

Published

on

PHOTO: Jose Enrique "Joen" Miraflores

Isa ang Aklan sa mga probinsiyang kinilala sa Regional Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards and Regional Launching of the Buhay Ingatan, Drogra’y Ayawan (BIDA) Program” sa Iloilo City.

Nakatanggap ang Aklan ng Regional Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Award at ang sampung munisipalidad nito na kinabibilangan ng mga bayan ng Buruanga, Balete, Batan, New Washington, Ibajay, Malay, Kalibo, Libacao, Lezo at Tangalan.

Layon ng nasabing programa na kilalanin ang outstanding performances ng mga provincial, city, and municipal Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa kanilang maayos na pag organisa ng implementation, monitoring at evaluation ng mga anti-illegal drug activities sa komunidad.

Bukod dito, inilunsad din ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program na nagnanais na mapalaganap at maipaintindi sa publiko ang masamang dulot ng iligal na droga.