Aklan News
Lalawigan ng Aklan may 70 kaso na ng dengue
UMABOT na sa 70 ang kabuuang kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan mula Enero 1 hanggang 29, 2023.
Ito ay batay sa tala ng Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office (PHO) Aklan.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang bilang noong nakaraang buwan.
Nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng dengue ang bayan ng Ibajay na may 25 cases; Nabas na may 11 cases; Kalibo na may walong kaso; New Washington at Libacao na may tig-limang dengue cases.
Sa panayam ng Radyo Todo kay J-Lorenz Dionisio, Nurse II ng PHO Aklan, isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ay dahil sa maulan na panahon.
“Mabahoe gid nga factor karon ro aton nga weather sa pag-inabu it aton nga mga lamok. Syempre sanda ro gadaea it aton nga mga duyon gani nga dengue,” saad ni Dionisio.
Malaking bagay din umano ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligan lalo na tuwing umuulan dahil kapag may mga lugar o bagay na naiimbakan ng tubig ay nagiging breeding site ito ng mga lamok na siyang pinagmumulan ng dengue virus.
Sangayon aniya ay mas pina-igting pa ng pamahalaan ang kanilang programa kontra dengue kung saan hinihikayat ang lahat na isaisip ang 4s strategy upang mapuksa nag dengue.