Aklan News
Lalawigan ng Aklan nakapagtala ng 24 na panibagong kaso ng dengue


NAKAPAGTALA ng 24 na panibagong kaso ng dengue ang lalawigan ng Aklan.
Ito ay batay sa latest Dengue Bulletin na inilabas ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula Abril 6 hanggang Abril 12, 2025.
Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng nasabing sakit ang bayan ng Ibajay na may 11 new cases at 16.3% attack rate.
Pangalawa naman ang bayan ng Malay na may tatlong kaso.
Mayroong tig-dalawang kaso ang naitala sa mga bayan ng Kalibo, Nabas at Banga habang may tig-isang kaso naman ang mga bayan ng Altavas, Balete, Malinao at Numancia.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng PHO Aklan sa publiko na siguraduhing malinis ang ating paligid upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng dengue sa lalawigan.
Continue Reading