Connect with us

Aklan News

LASERNA INTEGRATED SCHOOL HANDA NA SA PAGBUBUKAS NG LIMITED FACE -TO-FACE CLASSES

Published

on

Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Matapos ang isang taon at kalahati, muling magkakaroon ng face-to-face classes ang mga piling paaralaan sa bansa at kabilang na dito ang Laserna Integrated School sa bayan ng Nabas.

Ayon kay Mrs. Rosalie Dela Torre, principal ng nasabing eskwelahan, patuloy sa ngayon ang kanilang preparasyon para sa pagbubukas ng limited face-to-face classes sa darating na Nobyembe 15 hanggang Enero 31 sa susunod na taon.

Mula kinder hanggang grade 3 lamang ang papayagang magkaroon ng F2F classes at susundin parin ng nasabing eskwelahan ang health protocols, kagaya ng social distancing pagsuot ng facemask at dapat may shield na gawa sa plastic cover ang upuan ng mga estudyante.

Ayon sa panuntunan magtatagal lamang sa tatlong oras ang klase, dalawang linggo sa isang buwan at 12 estudyante lamang ang papayagang makakapasok sa silid aralan.

Ayon pa kay Mrs. Dela Torre, ang mga estudyante papasok sa face-to-face classes ay may pahintulot sa kani-kanilang mga magulang at dapat din nila itong gabayan.

Matatandaan na ang Laserna Integrated School sa Nabas lamang ang tanging paaralan na pasok sa mga napiling magkaroon ng limited F2F classes sa buong lalawigan ng Aklan dahil sa mababang kaso ng Covid 19 sa lugar.