Aklan News
LASERNA INTEGRATED SCHOOL SA NABAS, PASOK SA INILABAS NA LISTAHAN NG MGA PAARALANG MAAARING MAGSAGAWA NG PILOT IMPLEMENTATION NG FACE-TO-FACE CLASSES
Nagpalabas na ng listahan ang Department of Education ng 59 paaralang napili na magsasagawa ng pilot implementation ng limited face-to-face classes na magsisimula sa Nobyembre 15, 2021.
Umabot sa 638 na paaralan ang sinuri ang kahandaan na lumahok sa pilot implementation subalit ang 59 lamang ang napabilang sa inirekomenda ng Department of Health (DOH) at Deped.
Tanging ang Laserna Integrated School sa Nabas lamang ang nag-iisang paaralan sa Aklan na nakasama sa listahan.
Ang mga napiling paaralan ay masusing sinuri ng DOH Epidemiology Bureau at kinilalang minimal o low risk, base sa Alert Levels ng mga probinsya/ highly urbanized cities (HUC)/ independent
component cities (ICC) at risk category ng munisipalidad at siyudad.
Sa mga nais na malaman ang iba pang detalye kaugnay sa mga panuntunan ng pilot implementation ngf ace-to-face classes, basahin ang DepEd-DOH Joint Memorandum Circular No. 1,s. 2021.