Connect with us

Aklan News

LASING, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG PATALIM AT NANGHAMON NG AWAY SA 2 KAGAWAD

Published

on

Arestado

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa COMELEC Omnibus Election Code ang isang lasing na nahulihan ng patalim, at naghamon pa umano ng away sa 2 barangay kagawad.

Bago nito, nabatid na isang komosyon muna ang nangyari pasado alas 4:00 Huwebes ng hapon sa Magpag-ong, Batan, sa pagitan ng suspek na si Jonathan Bustamante at mismo nitong kapatid na Menard Bustamante Jr.

Base pa sa report, unang nirespondehan nina Kagawad Rolly Baladjay Jr., at Kagawad Nicolas Amacio Jr. ang nasabing komosyon.

Tiempo namang papunta na sana sa barangay si Menard kasama ang kanyang pinsan, nang makasalubong sa daan sina konsehal.

Kasunod nito, hinatid muna ng dalawa si Menard sa kanilang bahay, bago pinuntahan sa lugar ng komosyon ang lasing na si Jonathan.

Pagdating sa lugar, kinausap umano ng mga ito ang suspek, subali’t naghubad ito ng damit, at brief o panloob na lang ang natira, habang minumura si Kagawad Amacio.

Naagaw naman umano ni Amacio ang patalim sa suspek, hanggang sa dumating ang mga pulis na umaresto sa kanya.

Kaagad siyang dinala sa piitan ng Batan PNP pati na ang nakumpiskang kutsilyo, para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nabatid na naunang nag-away umano ang magkapatid, bunga ng labis na kalasingan ng suspek.