Aklan News
Lasing na ayaw pang umuwi, tinaga ang ka-live in
Desidido ang isang ginang na ipakulong ang kanyang kalive-in partner matapos siya nitong tagain alas-8 kagabi sa Brgy. Cubay Sur, Malay.
Batay sa ulat, pilit na inaaya ng biktima ang suspek na umuwi dahil nagsisimula nang umulan at dahil sa sobra nitong kalasingan.
Pero ayaw pang umuwi ng suspek na si Jerry Vicente, 36 anyos kaya bumunot ito ng patalim pinagtangkaang tagain ang biktima.
Naging kumpiyansa ang biktima na hindi siya kayang tagain ng kalive-in dahil lagi naman siya nitong binubunutan ng patalim pero sa ikalawang pagkakataon ay tinamaan na siya ng taga.
Nagtamo ng malaking sugat sa balikat at dalawang daliri ang biktima na kasalukuyan nang ginagamot sa ospital.
Samantala, hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na nakatakas.