Aklan News
Lasing na barangay tanod, sinuntok ng mag-ama matapos na mag-amok


SINUNTOK ng mag-ama ang lasing na barangay tanod matapos na mag-amok sa bahagi ng C. Laserna St., Poblacion, Kalibo bandang alas-12:30 ng Martes, Hunyo 3.
Ang di na pinangalanang barangay tanod ay 34-anyos at residente rin ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, bandang alas-12:05 nang ang lasing na barangay tanod ay pumunta sa bahay ng mag-ama at nagsisigaw.
Dahil sa ingay ay lumabas ang 15-anyos na menor-de-edad at dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Lumabas rin ang ama ng 15-anyos na binatilyo at pinagtulungang suntukin ang lasing na tanod.
Nagresponde naman sa lugar ang mga personnel ng Kalibo PNP.
Samantala, nagkasundo rin ang parehong mga sangkot na i-refer ang insidente sa Barangay Justice System. Ulat ni Arvin Rompe