Connect with us

Aklan News

LASING NA DRIVER NG TRAYSIKEL, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA KOTSE

Published

on

Sugatan ang isang lasing na driver ng traysikel matapos aksidenteng bumangga sa kotse alas 10:30 kaninang umaga sa bahagi ng D’Maagma St., Kalibo.

Hindi na pinangalanan ang mga sangkot sa aksidente, subali’t nabatid na lasing pala ang 56 anyos na driver ng traysikel, ng Purok 3, Mobo, Kalibo, habang taga Caticlan, Malay naman 34 anyos na driver ng kotse.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nasa D’Maagma St. papuntang Mabini St., ang kotse nang huminto umano ito, dahil sa nasabing traysikel na pa-zigzag ang takbo.

Sa kabila ng paghinto, nasapol parin ng traysikel ang kotse, na ikinasugat ng lasing na driver.

Kaagad namang binigyang lunas ng mga rescuer ang lasing na biktima, na tumangging magpadala sa ospital.

Kasalukuyan namang nasa proseso ng kasunduan ang magkabilang panig, para sa karampatang disposisyon.