Connect with us

Aklan News

Lasing na lalaki, binomba ang motor sa kalsada at nangbanta pa sa mga residente; inireklamo

Published

on

Inireklamo ang isang lasing na lalaki matapos mang-istorbo sa mga residente ng Merin Road, Estancia, Kalibo nitong Martes ng gabi.
Ang naturang lalaki ay kinilalang si alyas “Justine”, 20-anyos, at residente ng Purok 1, Brgy. Tinigao, Kalibo na nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ng motorsiklo si Justine kasama ang isa pang lalaki na dumaan sa nasabing lugar habang binobomba at pinapaharurot ang motor sabay sigaw ng “dasiga”.
Noong una ay hindi ito pinansin ng mga residente ngunit nagpabalik-balik pa umano ito sa lugar kaya’t naistorbo na ang mga ito dahilan para pagsabihan na ang naturang lalaki.
Ngunit imbes na tumigi, ay nambata pa ito ay sinabing, “Hueata ako, may grupo kami,” saka umalis at nanumbalik mag-isa na may bitbit pang bato.
Dahil dito, hinuli siya ng mga Barangay Tanod at dinala sa Kalibo MPS.
Samantala, ini-refer din ang kaso sa Barangay Justice System.