Aklan News
Lasing na lalaki, pinagtulungang bugbugin ng tatlong kalalakihan; biktima, lamog ang mukha


HINDI na maidilat ng isang lalaki ang kanyang mata matapos na pagtulungang bugbugin ng tatlong kalalakihan sa bahagi ng C. Laserna St. Poblacion, Kalibo, madaling araw nitong Lunes, Hunyo 16.
Ang hindi na pinangalanang biktima ay tubong Pilar, Capiz at kasalukuyang nangungupahan sa bayan ng Kalibo.
Samantala ang suspek naman ay parehong nasa tamang edad at residente ng Tapaz, Capiz kasama ang dalawang tiyo nito na pawang residente ng Kalibo.
Ayon sa mga nakakita sa lugar, nasiraan umano ng motorsiklo ang suspek at nilapitan ng biktima.
Doon na nagkainitan ang dalawa at lumapit ang dalawang tiyuhin ng suspek at pinagtulungang bugbugin ang biktima.
Kitang-kita rin sa CCTV ang pambubugbog ng mga suspek sa biktima bago sila tuluyang lumayo sakay ng motorsiklo.
Agad namang rumesponde ang Kalibo PNP sa lugar at nahuli ang mga suspek.| Ulat ni Jisrel Nervar