Aklan News
Lasing na motorista, semplang sa ginagawang kalsada sa Ibajay; rider, sugatan


Sugatan ang isang motorista matapos sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Aquino, Ibajay bandang alas-7:00 kagabi, Mayo 30.
Kinilala ang rider na si Jason Ava, 27-anyos at residente ng nasabing lugar.
Batay sa panayam ng radyo todo sa mdrrmo ibajay, kulang umano ang mga warning device katulad ng reflector at posibleng hindi nakita ng rider ang inaayos na kalsada sa lugar.
Samantala, inamin mismo ng rider na lasing ito pagdating sa provincial hospital.
Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na agad namang rinespondehan ng MDRRMO Ibajay at agad dinala ang biktima sa provincial hospital para sa kaukulang panggagamot.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng ibajay pnp sa nangyaring aksidente. Ulat ni jisrel nervar