Connect with us

Aklan News

Lasing na motorista, sugatan matapos sumemplang ang minamanehong motor sa Estancia, Kalibo

Published

on

SUGATAN ang isang motorista matapos na sumemplang sa Estancia, Kalibo nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Charlie Fuentes, sa legal na edad at residente ng Old Buswang, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nasa impluwensya umano ng nakalalasing na alak ang biktima.

Binabaybay umano nito ang kalsada mula Banga at patungo sana ng Poblacion, Kalibo ng mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho dahilan kaya sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo.

Agad naman itong nirespondehan ng MDRRMO Kalibo at dinala sa pagamutan para sa karampatang paggamot.