Aklan News
Lasing na nag-amok, ikinustodiya sa Kalibo PNP


Ikinustodiya sa Kalibo municipal police station ang isang lalaking lasing matapos na mag-amok sa briones, kalibo, kagabi, Mayo 29.
Kinilala ang lalaki na si Jomer, 39-anyos, at residente rin ng naturang lugar.
inirereklamo si jomer dahil sa pagsisigaw nito na nagdulot naman ng abala sa mga residente.
dinampot naman ng mga otoridad ang naturang lalaki na nasa impluwensiya ng alak.
pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo municipal police station ang lasing para sa kaukulang disposisyon.
Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading