Connect with us

Aklan News

LASING NA NAGWALA AT NAG-ALA ‘ANDRES BONIFACIO’, KALABOSO

Published

on

Sinampahan na ng kasong paglabag sa COMELEC  Omnibus Election Code, Resistance and Disobedience ang isang lasing matapos umanong magwala at mag-ala ‘Andres Bonifacio’ alas 7:50 kagabi sa Laguinbanwa West, Numancia.

Subalit dahil bigong makapagpiyansa, balik muna sa kustodiya ng Numancia PNP ang suspek na si Leonardo Cordova, 59 anyos ng nasabing lugar.

Base sa report ng Numancia PNP, itinawag sa pulis ang suspek na lasing dahil may hawak umano itong itak habang nag-iiskandalo.

Kaagad rumesponde ang mga pulis, kung saan sinasabing nakasalubong umano nila ang suspek sa kalsada malapit sa kanilang bahay, at iwinawasiwas naman ang isang kutsilyo.

Kaagad itong pinakalma ng mga pulis, subalit hindi ito nakinig.

Sa halip, pinahubad pa umano nito ang mga pulis ng kanilang uniporme at hinamon ng away.

Dahil dito, minarapat arestuhin ng mga pulis ang suspek at dinala sa presento, habang kinumpiska naman ang kanyang patalim.

P36, 000.00 ang pyansa para sa paglabag nito sa COMELEC Omnibus election code, at P3,000.00 naman sa kasong Resistance and Disobedience.

Continue Reading