Connect with us

Aklan News

Lasing na nagwala matapos hindi pautangin ng alak at sigarilyo, kinasuhan na, suspek bigong makapagpiyansa

Published

on

Sinampahan na ng kasong Alarm and Scandal ang isang lasing matapos umanong magwala Linggo ng gabi sa isang tindahan sa Bubog, Numancia, nang hindi umano ito pautangin ng alak at sigarilyo.

Subali’t maliban sa kasong Alarm and Scandal, sinampahan din ng kasong paglabag sa COMELEC Resolution No.10728 ang suspek na si Jomarie Natabio, 32 anyos ng nasabing lugar matapos namang mahulihan ng patalim.

Subali’t matapos sampahan ng kaso, nabatid mula sa Numancia PNP, na bigong makapagpiyansa ng P3 libong piso para sa kasong Alarm and Scandal, at P36,000.00 naman para sa kasong paglabag umano nito sa COMELEC Resolution No.10728.

Sa report ng Numancia PNP, magugunitang lasing umano noon ang suspek nang dumating doon sa tindahan ng nagreklamong si Jonalyn Distor, at uutang sana ng alak at sigarilyo.

Subali’t hindi umano ito pinagbigyan ng huli, rason ng kanyang pagwawala, sabay pagbabanta na babalik.

Ilang sandali pa, bumalik nga ang suspek na may dalang itak, at nagwawala, rason na itinawag na ito ng pulis.

Kaagad namang naaresto ang suspek, at pansamantalang iknostodiya ng Numancia PNP.

Kaugnay pa nito, nabatid na naghahanap din umano ng pang piyansa ang pamilya ng suspek.