Aklan News
LASING NA NANUTOK UMANO NG BARIL, ARESTADO
MAKATO – Sasampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang isang lasing matapos umano itong manutok ng baril sa Sitio Hagakhak, Baybay, Makato.
Nakilala ang suspek na si Razzel Rogame, 42 anyos ng nasabing lugar, habang nabatid na isang 61 anyos na lola ang tinutukan umano nito ng baril.
Base sa imbestigasyon ng pulis, kinumpronta ng suspek ang lola hinggil sa alitan umano ng kanyang anak at ng lola nito sa hindi na natukoy na dahilan.
Kasunod nito, kaagad rumesponde ang mga pulis at naaresto sa kanyang bahay ang suspek at narekober ang kalibre .22 riffle na nakasandal sa upuan na siya namang ginamit umano nito sa panunutok sa biktima.
Nabatid na hindi na sumama sa presinto ang lola para magreklamo dahil inatake umano ito ng nerbyos.
Pansamantala namang ikinustodiya ng Makato PNP ang suspek kasama ang narekober na riffle na walang bala.