Aklan News
Lasing na rider, sugatan matapos bumangga sa signage ng ginagawang kalsada


SUMALPOK sa isang signage ng ginagawang kalsada ang lasing na rider sa Ochando, New Washington bandang alas-2 nitong Mayo 4.
Ang hindi na pinangalanang motorista ay 33-anyos at tubong Ivisan, Capis ngunit kasalukuyang nakatira sa Dumaguit, New Washington.
Ayon sa MDRRMO New Washington, pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada ay hindi napansin ng motorista ang ginagawang kalsada sa lugar at aksidenteng sumalpok sa signage.
Napagalaman na galing sa Dumaguit ang biktima at nasa ilalim ng nakalalasing na inumin.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Agad namang rumesponde ang MDRRMO New Washington sa lugar at dinala ang biktima sa Provincial Hospital. l Ulat ni Jisrel Nervar
Photos: MDRRMO New Washington
Continue Reading