Connect with us

Aklan News

Lasing na rider, sugatan matapos sumalpok sa kasalubong na isa pang motor

Published

on

SUGATAN ang lasing na rider matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa Brgy. Pook, Port Kalibo, bandang alas-11:20 kagabi mayo 30.

Batay sa imbestigasyon ng kalibo pnp, ang 46-anyos na lalaki at residente ng Brgy. Biga-a, Malinao ay umano’y nasa impluwensya ng alak.

Mula umano itong andagaw patungong Brgy. Caano, Kalibo ngunit pagdating sa lugar lumihis ito sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa kasalubong na motorsiklo.

Sakay ng kasalubong na motorsiklo ang isang 22-anyos na lalaki na residente ng Viscarra subdivision, Andagaw, Kalibo at ang kanyang backrider na 22-anyos rin.

Nagtamo naman ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan ang 46- anyos na rider.

Agad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng kalibo PNP at BFP Kalibo matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen.

Isinugod sa provincial hospital ang sugatang rider para sa agarang lunas, samantala ligtas naman ang dalawang sakay ng kasalubong na motorsiklo.l ulat ni Jisrel Nervar