Aklan News
Lasing na rider, sumalpok sa kasunod na SUV; sugatan


Sugatan ang isang rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasunod na SUV sa bahagi ng Jaime Cardinal Ave., Andagao, Kalibo bandang alas-11:00 ng gabi nitong Lunes, Abril 22.
Ang nasabing rider ay 21-anyos na taga Nalook, Kalibo at nasa impluwensya ng alak habang ang drayber naman ng SUV ay edad 30-anyos na kasalukuyang nakatira sa Poblacion, Kalibo.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, parehong tinatahak ng dalawang sasakyan ang direksyon mula sa Poblacion, Kalibo ngunit pagdating sa nasabing lugar ay doon na nangyari ang pagkasalpok.
Dahil sa impact, nagtamo ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang motorista.
Samantala, agad namang nagkasundo ang dalawang mga sangkot pagdating sa Kalibo Municipal Police Station. l Ulat ni Arvin Rompe
Photos courtesy of Petix Akean