Aklan News
Lasing na sakay ng sasakyan natulog sa gitna ng kalsada matapos maligaw


Naabutan ng mga miyembro ng kapulisan ang isang lasing sa loob ng kanyang pick-up na nakatigil sa gitna ng kalsada sa Brgy. New Buswang, Kalibo kaninang madaling-araw.
Ayon sa mga otoridad, nagpapatrolya sila sa lugar nang madaanan ang naturang sasakyan na naka-start ngunit nakatigil sa gitna ng daan.
Kinatok umano nila ito at doon na nakita ang driver na lasing.
Ayon naman sa driver, mula umano siya sa bayan ng Banga at pumunta sa isang bar sa Kalibo para uminom.
Ngunit nang pauwi na ito ng Old Buswang ay hindi na umano niya matukoy kung saang kalsada liliko ng makarating sa may crossing Buswang.
Tatlong beses umano siyang palibot-libot sa lugar hanggang sa nasagi na nito ang ilang railings sa gilid ng kalsada.
Dagdag pa niya, bago siya tumigil at nakatulog sa gitna ng kalsada ay may tumawid pang baka na kaniyang iniwasan.
Pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo MPS ang lalaki at pinauwi rin kalaunan.