Aklan News
LASING NA SINITA, NANDURA, NANUNTOK AT NAGMURA PA SA PULIS


Kulong ngayon ang isang lalaking nanlaban sa mga sumita sa kanyang mga pulis nang mag-amok ito sa Brgy, Buenasuerte, Nabas.
Batay sa ulat ng pulisya, nagresponde sa lugar sina PCpl Andrew Andrade, PCpl Vincent Daryl Nalayog at PCpl Kurt Millano matapos makatanggap ng tawag sa mga residente kaugnay sa nangyayaring komosyon.
Naabutan nila sa lugar ang suspek na si Leo Jay Malicse, 19 anyos ng Brgy. Buenasuerte, Nabas, na nagsisigaw at naghahanap ng away.
Akmang lalapitan siya sana ni PCpl Nalayog pero sinuntok niya ito ng malakas sa dibdib.
Agad naman siyang inawat ni PCpl Millano at Andrade pero pinagmumurpa niya ang mga ito: “Wa kamo’t pulos na mga pulis, mga b*******o kamo, ano gid kun pulis kamo, pamatyon ta kamo,” saad umano ng suspek.
Sinuntok din niya ang dalawa pero mabilis silang nakaiwas hanggang sa maposasan na ang suspek.
Sinubukan pa umano nitong mang-agaw ng baril habang nakasakay sa patrol car pero hindi ito nagtagumpay kaya dinuraan niya sa mukha si Pcpl Andrade.
Napag-alaman na bago ito ay nauna nang nagresponde si Kagawad Joseph Palomata sa lugar matapos suntukin ng suspek ang kanyang kapatid na babae pero maging si kagawad ay nakatikim din ng sipa mula sa suspek.