Connect with us

Aklan News

Lasing na tricycle driver, ikinustodiya ng kalibo pnp matapos bumangga sa sedan

Published

on

IKINUSTODIYA ng Kalibo PNP ang isang tricycle driver matapos na bumangga sa isang Sedan sa bahagi ng Kalibo-Numancia Bridge nitong gabi ng Lunes, Abril 21.
‎Ang tricycle driver na hindi na pinangalanan ng mga otoridad ay edad 53-anyos at residente ng Silakat-Nonok, Lezo samantalang ang drayber naman ng Sedan ay 46-anyos na lalaki at residente ng Panayakan, Tangalan.
‎Lumalabas sa imbestigasyon ng Kalibo PNP na ang dalawang sasakyan ay parehong tinatahak ang direksiyon papuntang bayan ng Numancia kung saan ang tricycle ay nasa fast lane samantalang ang Sedan naman ay nasa outer lane.
‎Pagdating umano sa paakyat na bahagi ng tulay ay bumangga ang tricycle sa Sedan dahilan upang magkaroon ng pinsala ang sasakyan.
‎Pumaharurot pa umano ng takbo ang drayber ng tricycle hanggang sa naharang ito ng mga personnel ng Numancia PNP.
‎Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Kalibo Municipal Police Station ang nakabanggang drayber para sa karampatang disposisyon.| ulat ni Arvin Rompe