Connect with us

Aklan News

Lasing na tricycle driver, kritikal matapos bumangga sa naka-park na isa pang tricycle

Published

on

‎KRITIKAL ang isang tricycle driver matapos bumangga sa nakaparadang tricycle sa Brgy.Bulwang, Numancia dakong alas-4:00 nitong hapon ng Huwebes.
‎Kinilala ang nasabing tricycle driver na si Rhindel Tuyos, 37-anyos at residente ng Brgy. Camanci Norte sa kaparehong bayan.
‎Batay sa imbestigasyon ng Numancia PNP, mula ang tricycle driver sa Camanci Norte at papuntang Bulwang nang mangyari ang aksidente.
‎Sinasabing pagdating sa lugar ay bigla nalang itong sumalpok sa nakaparadang tricycle.
‎Napag-alaman na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin si Tuyos.
‎Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na agad nirespondehan ng Numancia PNP at MDRRMO Numancia.
‎Sa ngayon ay nasa Intensive Care Unit ito ng Aklan Provincial Hospital. l Ulat ni Jisrel Nervar/ Arvin Rompe
Photos: MDRRMO Numancia