Connect with us

Aklan News

Lasing nanuntok ng lalaking masayang nagsasadsad, suspek nagpalipas ng gabi sa PNP station

Published

on

Nagpalipas ng gabi sa Kalibo PNP station ang isang lasing matapos itong manuntok ng lalaking nagsasadsad dakong alas-8:28 ng gabi nitong Lunes sa Pastrana Street.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga sangkot na parehong mga residente ng C. Laserna St., Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo Pnp, habang nagvi-video umano ang biktima sa sadsad ay bigla na lang sumulpot ang suspek at sinuntok siya.

Umawat ang isang lalaking kasama ng biktima pero maging siya ay sinuntok din ng suspek na naiwasan naman niya.

Nagresponde naman kaagad ang Kalibo PNP at dinakip ang suspek.

Ayon sa suspek, gumanti lang ito dahil noong isang araw ay napagtripan din umano ito ng nasabing biktima.

Itinanggi naman ito ng biktima at nagkaayos rin ang dalawa.

Samantala, pansamantala namang ikinulong ang suspek sa Kalibo MPS na nakatakdang palabasin ngayong umaga.