Connect with us

Aklan News

Lasing tinangkang tagain ang kabitbahay, arestado

Published

on

ARESTADO ang isang lasing matapos nitong pagtangkaang tagain ang kanyang kapitbahay sa Purok 4, Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Albert Igura, 37-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PSSgt. Arjorine Mendoza ng Numancia Municipal Police Station, tinangka sanang tagain ng suspek ang biktimang si Ronel Caminoy, 22-anyos na nasa labas ng kanilang bahay.

Ngunit nakailag umano si Caminoy at nakatakbo palayo.

Saad pa ni Mendoza, ang unang puntirya ng suspek ay ang kanyang anak subalit nakita nito ang biktima kung kaya’t ito na lamang ang kanyang pinagbuntunan ng dala nitong itak.

Kaagad namang inaresto ng mga kapulisan ang suspek at ikinustodiya sa Numancia PNP.

Hindi naman narekober ang armas na ginamit ng suspek.

Kaugnay nito, inihayag ni PSSgt. Mendoza na nagkasundo na lamang ang magkabilang panig at nagdesisyon na huwag nang magsampa ng kaso.