Connect with us

Aklan News

Legislative inquiry sa pagkamatay ng 4 pasyente sa RMPH isinusulong

Published

on

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ang pagkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng apat na pasyente sa Roxas Memorial Provincial Hospital noong Disyembre 25.

Sa kanyang privilege speech sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan pinahayag ni Board Member Matt Hachuela na gusto niyang malaman kung ano talaga ang tunay na rason ng insidente.

Gustong tingnan ng lokal na mambabatas kung may kinalaman ba ito sa kakulangan mg pondo o empleyado sa ospital.

Sinabi pa ng opisyal na sa pamamagitan nito ay makagawa ng paraan ang Sanggunian para mapabuti pa ang serbisyo ng ospital sa publiko.

Nilinaw naman niya na wala siyang sinisi sa kanyang talumpati. Gusto lamang aniya siyang malinawan sa gitna ng iba-ibang bersyon na lumalabas kaugnay ng insidente.

Matatandaan na noong Disyembre 25, apat na pasyente ang namatay kung saan sinisisi ng marami ang hindi pagpapagana ng ospital ng kanilang generator dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente noon dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula.

Mababatid rin na una nang dinepensa ni Provincial Administrator Edwin Monares na ang pagkamatay ng apat ay hindi dahil sa kawalan ng generator kundi sa malubha na nilang kalagayan.