Connect with us

Aklan News

lezo PNP nagbabala sa publiko vs indibidwal na nagpapanggap na si PCAPT. Batiles

Published

on

BINALAAN ngayon ng Lezo Municipal Police Station ang publiko kaugnay ng isang insidente ng panloloko kung saan isang hindi kilalang indibidwal ang nagpapanggap bilang si Police Captain Gelbert O. Batiles, ang Acting Chief of Police ng Lezo.

 

Ayon sa opisyal na pahayag ng pulisya, ang suspek na may cellphone number na 0967-068-5022 ay tumawag sa ilang opisina ng LGU, kabilang ang Municipal Health Office at Office of the Treasurer, upang humingi ng gamot at bigas para umano sa isang “medical mission.”

 

Nilinaw ng Lezo MPS na ito ay hindi awtorisado at isa lamang panlilinlang.

 

“We would like to inform the public that Lezo Municipal Police Station has NOT AUTHORIZED any individual to make phone calls or send messages using the name of PCPT GELBERT O BATILES or any member of Lezo MPS for the purpose of soliciting money, favors, or any form of request.,” saad sa anunsyo.

 

Binibigyang-diin ni PCPT Batiles na wala ni isa mang pulis ng Lezo MPS ang pinapayagang humingi ng donasyon, pera, o anumang pabor gamit ang tawag o text.

 

Hinihikayat din ang publiko na ituring na kahina-hinala ang anumang komunikasyon na humihingi ng ganitong klaseng tulong gamit ang pangalan ng mga opisyal ng pulisya.

 

“On behalf of the men and women of Lezo Municipal Police Station, I urge everyone to remain vigilant and help us protect the integrity of our service. Together, we can prevent scams and uphold public trust in our institution,” pahayag ni PCPT Batiles.

 

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, at hinihikayat ang lahat na agad ireport ang anumang kahina-hinalang tawag o mensahe.