Connect with us

Aklan News

LGU Kalibo, bibili ng lote sa barangay Tigayon para pagtayuan ng terminal market at iba pang proyekto

Published

on

PLANO ngayon ng lokal na pamahalaan na bumuli ng lote sa barangay Tigayon Kalibo upang gamitin para sa mga development projects ng Kalibo.

Ito, ayon kay Sangguniang Bayan member Ronald Marte ay upang ma-decongest ang Poblacion, Kalibo at mailagay naman sa ibang barangay ang ibang developments.

Aniya pa, ang budget na gagamitin sa pagbili ng lote ay ang P60-million pesos na loan facility ng nakaraang adminsitrasyon na ilalaan sana sa pagbili ng lote ni Mr. Mel Robles sa barangay Andagao na pagtatayuan sana ng relocation site para sa rehabilitasyon ng Kalibo Public Market noon

“Duyon kunta karon ro budget nga ibakae kunta kato kay Robles nga property.

Matatandaan na hindi natuloy ang pagbili ng nasabing lote dahil sa may nakita silang conflict sa mga papeles gayundin na mayroon g petisyon ang katapat na ospital sa naturang property.

“But is so happened nga nakita abi naton kato nga time nga ro papeples hay medyo may sangkiri nga konplikto ag ro sambilog pa abi hay may petition kato ro sangka hospital una sa prenti ku ruyon nga property.”

Saad pa ni Marte, “So ngayon, since kinahangean man it munisipyo it Kalibo nga i-expand ro development outside of Poblacion, Kalibo or Andagao, so that’s the reason why ginpakamayad ni Mayor Juris Sucro nga mag-usoy imaw it property idto sa may Tigayon para butangan it development or kung ano nga mga projects nga ibutang it LGU Kalibo.”

Isa na aniya sa mga ilalagay sa barangay Tigayon ay ang terminal market ng LGU Kalibo.

“Aton abi nga nakikita nga rayang circumferential road hay manami nga butangan imaw ra it terminal market,” dagdag nito.