Aklan News
LGU Kalibo di sapat ang pondo para sa proyekto kontra baha
Kulang ang pondo ng lokal na pamahalaan ng Kalibo para maibsan ang problema sa pagbaha.
Sa panayam sa programang Todo Aksyon ng Radyo Todo kay Mayor Juris Sucro, inihayag niya na hindi sapat ang kanilang pondo para mapanatili ang mga proyekto laban sa pagbaha kaya kailangan nilang makipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Ro atong local funds would not be enough para i-sustain ro mga flood mitigation projects so we need to tap the national agencies like DPWH, “sabi niya.
Aniya, nagkausap na umano sila ng DPWH national tungkol sa mga proyektong maaaring gawin sa Kalibo pero maaaring sa susunod na taon pa mapopondohan ang mga proyektong ni-request dahil hindi ito nahabol sa budget deliberation ng National Expenditure Program 2022.
Matagal nang problema sa Kalibo ang pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar dahil na rin sa ito ang nagsisilbing catch basin ng tubig na dumadaloy sa Libacao, Madalag at Banga tuwing umuulan.
“Sa Libacao una ro upstream, una gahalin rot ubi then maagi sa Madalag, sa Banga, then iya katon sa Kalibo ro downstream, iya maagi ro tubi paadto sa open sea.
Ayon kay Sucro, maliliit ang drainage projects sa Kalibo at barado.
Ang pang matagalang solusyon na nakikita ng alkalde para dito ay ang pagpapalaki ng mga drainage system at pagtatayo ng pumping station.
Kaugnay nito, sinabi niya na nasa 11,000 pamilya na katumbas ng 39,000 indibidwal ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bayan ng Kalibo sa pananasala ni bagyong Paeng.