Connect with us

Aklan News

LGU Kalibo, DTI Aklan nagsagawa ng skills upgrading sa buri craft making para sa mga Kalibonhon

Published

on

NAGSAGAWA ng dalawang araw na Skills Upgrading on Buri Craft Making ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) Aklan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapa-unlad pa ang kakayahan at talent ng mga Kalibonhon na gumagawa ng mga produktong gamit ang buri.

Ang Skills Upgrading on Buri Craft Making ay nag-umpisa noong Agosto a-30 at nagtapos nitong Agosto a-31 sa Ati-Atihan County Inn.

Samantala nagsilbi namang Training Facilitator si Ms. Sheree Reynaldo, may-ari ng Buttons and Things Arts & Crafts at Alumna ng Kapatid Mentor ME (Micro Entrepreneur) Program ng DTI.

Sa ngayon ay may mga institutional buyers na gustong bumuli ng mga homestyle products partikular ng throw pillows at buri placemats./SM1