Connect with us

Aklan News

LGU KALIBO, MAGHAHANAP NALANG NG RELOCATION SITE PARA SA MGA VENDORS NG KALIBO PUBLIC MARKET

Published

on

Maghahanap nalang ng ibang relocation site ang lokal na pamahalaan ng Kalibo na pansamantalang paglilipatan ng mga vendor ng Kalibo Public Market.

Ayon kay Kalibo Municipal Treasurer Rey Villaruel, isa ito sa mga option na tinitingnan na LGU Kalibo para matuloy na ang pagpapatayo ng bago at modernong merkado publiko.

Aniya hindi pa maaaring i-release ng Development Bank of the Philippines o DBP ang bahagi ng kabuuang loan package habang wala pang pinal na desisyon ang korte na tungkol sa usaping ito.

Ipinahayag ni Villaruel na kung sakali ay handa naman ang LGU-Kalibo sa kung ano man ang maging desisyon ng korte dahil may pinanghahawakan na silang mga legal na dokumento na nagpapakitang walang mali sa ginawa ng lokal na pamahalaan sa planong pagbili ng lupa na pagtatayuan sana ng relocation site.

Dagdag pa ni Villaruel, nagtataka siya kung bakit nakikialam ang Sangguniang Panlalawigan sa mga hakbang na ginagawa ng Kalibo Sangguniang Bayan.

Lumalabas aniya na ignorante sa batas ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Reynaldo Quimpo na isa ring abogado.

Isang malaking sampal daw ito kay VG Quimpo na siya mismo ay hindi naintindihan ang ipinalabas na legal opinion ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Samantala, idineklara namang operative in their entirety ng Sangguniang Panlalawigan ang appropriation ordinance 2021-041 na nagkakahalaga ng P107-million pesos na gagamitin ng lokal na pamahalaan para sa pagbili ng lupa sa Barangay Nalook, Barangay Tinigaw, at Barangay Old Buswang na nakapaloob sa ilalim ng loan term No. 2 ng ordinance 2021-031 na bahagi ng P691-million pesos Term Loan Facility ng LGU-Kalibo sa DBP.