Connect with us

Aklan News

LGU-KALIBO, MAGSASAGAWA NG EXECUTIVE MEETING PARA SA ‘NO VAXX, NO ENTRY’ POLICY NG NATIONAL IATF

Published

on

Magsasagawa ng executive meeting ang lokal na pamahalaan ng Kalibo kaugnay sa ‘no vaccination, no entry’ policy National IATF na ipinapatupad na ng Aklan Provincial Government.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, ito ay upang mapag-usapan nila ang tamang pagpapatupad ng nasabing polisiya .

Aniya, mayroon kasing mga kumukuwestiyon sa legalidad ng “no vaccination, no entry” na ipinapatupad na sa ilang mga ahensiya ng gobyerno at establishemento sa lalawigan ng Aklan.

Mas mabuti ayon kay Lachica na mapakinggan niya muna ang mga reaksyon ng mga tauhan sa kanyang opisina bago gumawa ng desisyon.

Pahayag pa ng alkalde na wala naman umanong batas ang nagsasabing itsapwera na ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Dagdag pa nito na ang lokal na pamahalaan ay mayroong otonomiya kung saan maaari silang makagawa ng isang Executive Order na may kaugnayan sa EO No. 003 series of 2022 ni Aklan Governor Florencio Miraflores.

Samantala, patuloy naman ang panghihikayat ng LGU-Kalibo sa mga nais magpabakuna na magpaturok na ng COVID-19 vaccine para kung sakali man na tamaan ng nasabing sakit ay mild lamang at hindi na umabot lumala pa.