Connect with us

Aklan News

“LGU-Kalibo may sapat na budget” – Municipal Budget Officer

Published

on

IBINUNYAG ni Municipal Budget Officer Ms. Meddette Q. Viray na may sapat na budget ang lokal na pamahalaan ng Kalibo.

Ito ay kasunod ng mga naglalabasang isyu na wala umanong natirang pondo ang LGU Kalibo mula sa nakaraang adminsitrasyon.

Ayon kay Viray, sapat ang pondo ng lokal na pamahalaan hanggang sa buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

Saad pa nito, naka-allocate na ang budget para sa mga programa ng bayan ng Kalibo.

“Ro aton nga pondo hay sufficient pat-a kita, bastante pa mat-a ro aton nga pondo hasta sa December. Dahil naka-allocate mat-a eagi ron sa aton nga budget. May naka-ano mat-a eagi nga program sa pag-planning ag budgeting stage hay may ina mat-a eagi ron nga allocation,” ani Viray.

Aniya pa, wala pa silang re-allignement na ginagawa dahil ipinagpatuloy naman ni Mayor Juris Sucro ang mga proyekto at programang nasimulan ni dating mayor Emerson Lachica.

“Sa makaron hay owa pa kami it re-allignment. Gin-continue mat-a ni Mayor Juris ro programa ni former Mayor Emerson Lachica,” pahayag nito.

Giit pa nito, wala pang mga binago dahil mag-iisang buwan pa lamang na naka-upo bilang alkalde si Mayor Sucro.

Binigyan-diin ni Viray na hindi pa nagagalaw ang mga proyekto at programa sa ilalim ng Annual Investment Plan na pinondohan ng annual budget.

Kaya paglilinaw nito, kung pondo ang pag-uusapan, may pondo ang LGU Kalibo, walang bawas at sapat ito.