Aklan News
LGU Kalibo nilinaw ang isyu tungkol sa pagtanggal ng center island sa bahagi ng Roxas Avenue
DUMEPENSA ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa isyu ng pagtanggal ng center island sa bahagi ng Roxas Avenue upang bigyan-daan ang proyektong bike lane ng Department of Transportation (DOTr).
Kasunod ito ng iba’t-ibang reaksyon at opinyon na ibinahagi ng publiko sa social media sa naturang proyekto.
Ayon kay Mark Sy, tagapagsalita ni Mayor Juris Sucro, ang nasabing proyekto ay pinondohan ng DOTr samantalang ang Department of Public Works and Higways (DPWH) naman ang implementing agency.
Sa katunayan ayon kay Sy, sinabihan tapos na ang bidding para sa nasabing proyekto nang ipaalam ito sa LGU Kalibo.
Ang tanging ginawa lamang ng LGU ay tulungan ang dalawang ahensiya sa pagsagawa ng groundbreaking ceremony.
“Funded ron it aton nga DOTR ag implemented by the DPWH. Actually, daya ngara nga proyekto hay gin-inform eang ro aton nga LGU Kalibo hay anu eot-a … ha-bidding eot-a ngani kuno idto sa syudad ag probinsiya it Iloilo. Bale, ro pag-adto it DOTR kamon [LGU Kalibo] ag kaibahan ro contractor hay gina-set eot-a ro groundbreaking it raya ngara nga proyekto it bike lane it aton nga DOTR ag DPWH,” paliwanag ni Sy.
Dagdag pa ni Sy, ang pondo ng naturang proyekto ay mula sa national government sa pamamagitan ng DOTr.
Binigyan-diin pa nito na walang nangyaring meeting sa pagitan ng lokal na pamahalaan at contractor ng proyekto.
Napag-alaman na ang center island sa Roxas Avenue Kalibo ay itinayo noong 1960 at inayos ng Rotary Club of Kalibo noong 1973.