Aklan News
LGU Kalibo, paiigtingin pa ang pagbibigay ng medical assistance sa Kalibonhon
Mas paiigtingin pa ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang kanilang medical assistance program.
Ito ang ipinasiguro ni Chief of Barangay Affairs Mark Sy sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo.
Aniya, layunin nitong masagot ang pangangailangan ng mga mamamayan partikular sa aspetong medical lalo na sa mga Kalibonhon na hindi kaya o walang sapat na pera na pambili ng gamot.
Saad pa nito, sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng gamot ng LGU kung saan kapag walang available na gamot sa kanilang mga Center ay maaari nilang madala sa munisipyo ng Kalibo ang kanilang resita.
Ang Municipal Social Welfare Development Office (MSDWO) na aniya ang bahalang makipag-coordinate sa mga botika at sinasamahan ng empleyado ng LGU sa pagbili ng gamot.
Dagdag pa ni Sy, tinitiyak ng LGU na ang lahat ng pumupunta sa kanilang tanggapan na humihingi ng tulong-medikal ay nabibigyan ng sapat na tulong.
“By next year, basi paga-pondohan ni Mayor Juris it maeagko ruyon [libreng gamot] para ro pumueoyo naton nga gaadto sa munisipyo everytime nga gapangayo it bulig, especially ro bueong, hay indi man mag-uli sa andang barangay nga owa it dinaea o nabuoe nga bulig maghalin sa aton nga munisipyo.”
Sa katunayan ayon sa hepe ng Barangay Affairs, hindi lang gamot ang ibinibigay nila kundi inihahatid pa sa kani-kanilang mga barangay ang mga indibidwal na nahihirapan sa kanilang transportasyon o yaong wala nang pamasahe pauwi.