Aklan News
LGU KALIBO, PAKIKIRAMDAMAN MUNA ANG SITWASYON KAUGNAY SA PAMAMASYAL NG MGA BATA SA MALLS AT PARKE
Pakikiramdaman muna ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang sitwasyon kaugnay sa pamamasyal ng mga menor de edad sa mga malls at parke.
Ayon kay Mayor Emerson Lachica na pagbibigyan muna nila ang mga kabataan na pagkakataon na makalabas ng kanilang mga tahanan matapos ang mahigit isang taon dahil sa pandemya.
Aniya, sinusunod nila ang panuntunan ng national IATF kung saan pinapayagan ang mga kabataang lumabas ng bahay basta’t may kasamang magulang o guardian.
Dagdag pa nito na hindi lamang sa bayan ng kalibo madaming mga bata ang namamasyal kundi sa ibang bayan at probinsiya din sa buong bansa.
Sa kabilang dako, sinabi ng alkalde na asahan ang mas maganda at maliwanag na “Iwag it Kalibonhon” na paiilawan sa buwan ng Disyembre.
Pahayag ng alkalde na mas maganda ito kumpara noong nakaraang taon.
Samanta, panawagan ni Lachica sa lahat na siguraduhing, nasusunod ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng facemask at social distancing.