Aklan News
LGU Kalibo spox sa delay na sahod ng mga job order: “Ro factor karon hay ro pag-ubra it DTR ag andang accomplishments”
Nilinaw ni Barangay Affairs chief at nagsisilbing spokesperson ng Office of the Mayor na si Hon. Mark Sy ang umano’y delay na pagpapasahod sa nga Job Order employee ng LGU Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Sy, sinabi nito na napirmahan na lahat ni Mayor Juris Sucro ang dokumento at papeles para dito.
Aniya pa, natanggap na ng mga job order ang kanilang sahod para sa payroll period na October 1 hanggang15 maliban sa October 16-31 at November 1-15.
Dagdag pa ni Sy na posibleng ang isa pa sa mga dahilan ay ang pag-renew ng kanilang nga kontrata nitong Oktubre a-1.
Medyo natagalan umano ang renewal ng kanilang mga kontrata dahil marami pa ang humabol sa kanilang deadline.
Maliban dito, nakikitang dahilan din ng tagapagsalita ang maling paggawa ng mga Job Order sa kanilang DTR at accomplishment reports.
Kapag nagkamali aniya ang isa ay damay na ang lahat kaya’t nagkakaroon kung minsan ng delay sa kanilang mga sweldo.
Kaugnay nito, ipinasiguro ni Sy na matatanggap ng mga job order ang kanilang mga sahod dahil hindi naman umano ito pinababayaan ni Mayor Sucro at sa katunayan ay isa din ito sa mga pinaprayoridad ng alkalde.