Connect with us

Aklan News

LGU KALIBO, TULOY ANG PAGBILI NG AZTRAZENECA SA KABILA NG SUSPENSYON SA ILANG BANSA SA EUROPA

Published

on

Photo Courtesy| Mayor Emerson Lachica

Tuloy ang pagbili ng LGU Kalibo ng AztraZeneca vaccine sa kabila ng pagsuspende ng ilang bansa sa pagturok dahil sa mga ulat ng blood clots.

Ayon kay Mayor Emerson Lachica, handa na ang Kalibo sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine na gawa sa nasabing brand.

Wala aniyang dapat na ikabahala ang mga Kalibonhon sa pagpabakuna dahil mababa lang ang porsyento ng mga nagkaroon ng side effects at wala pang ebidensya na nagkaroon ng blood clot o pamumuno ng dugo ang mga ito dahil sa bakuna.

Rekomendado parin ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng AstaZeneca.

Kung matatandaan, naglaan ng P50 milyong pondo ang LGU Kalibo para sa pagbili ng AztraZeneca vaccine.

Dagdag pa ng alkalde, layon lamang nila sa ngayon na mailigtas sa sakit ang publiko lalo na ang mga Kalibonhon.

Sa ngayon, mayroon na lamang 18 aktibong kaso ng COVID-19 sa Kalibo at lahat ng ito ay naka quarantine.