Connect with us

Aklan News

LGU LIBACAO, NAGPAALALA SA MAG MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON

Published

on

Photo Courtesy|Libacao Information Board

Ipinaalala ng Local Government Unit (LGU) Libacao ang mahigpit na pagsunod sa health protocols sa mga pampublikong sasakyan ngayong mayroong naitatalang COVID-19 cases sa bayan.

Base sa Municipal Ordinance No.003-20, 10 pasahero lang dapat ang sakay ng isang 24 seater na jeepney, 15 naman kung 31 seater jeepney at 15 din sa local mini bus.

Ang mga commuters na gumagamit ng public transport na may napapansing mga paglabag ay maaaring magreport sa mga otoridad.

Base sa Municipal IATF, mayroong 35 aktibong kaso ng COVID-19 sa Libacao, 3 na ang gumaling at nagpapatuloy sa home quarantine.

Mayroon naman na kabuuang 798 cases sa Aklan, 622 na ang mga gumaling, 26 ang mga namatay at 150 ang active cases.