Connect with us

Aklan News

LGU Makato, hinigpitan pa ang kanilang boarder control vs. ASF

Published

on

HINIGPATAN pa ng Local Government Unit (LGU) Makato ang kanilang mga boarder control kasunod ng naitalang positibong kaso ng African Swine Fever o ASF sa barangay Alibagon ng nasabing bayan.

Ito ay batay sa Executive Order na muling inilabas ni Mayor Ramon Anselmo Martin D. Legaspi III upang makontrol ang nasabing virus.

Maliban sa barangay Alibagon, binabantayan rin ngayon ng lokal na pamahalaan ang ilan pang apektadong barangay na Baybay at Tugas.

Dahil dito, mas pinaigting pa ng Barangay Bio Security Officers ng LGU, Makato PNP at Barangay Council ang kanilang isinasagawang monitoring at surveillance.

Sa ilalim ng EO na inilabas ng alkalde, lilimitahan na ang paglabas at pagpasok ng mga karne at iba pang pork-related products sa Barangay Alibagon gayundin ang mga karatig-barangay nito na Barangay Baybay at Tugas.

Ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga negosyante ng baboy at mga technicians ng baboy.

Samantala, hindi muna tatanggap ng mga baboy ang slaughterhouse ng Makato mula sa barangay Alibagon at Baybay at magiging regular ang isasagawang disinfection.

Hindi naman papayagang makapagbenta ng karne ng baboy merkado publiko kung hindi ito kinatay sa slaughterhouse.

Inatasan na rin ni Mayor Legaspi ang bawat punong barangay na magkaroon ng sariling Barangay Biosecurity Officers kung saan sila ang magsasagawa ng monitoring sa kanilang mga lugar kasama na ang pagset-up ng border control points at pagpapatupad ng biosecurity measures.

“Padayon kita nga magacoordinate sa atong Office of the Provincial Veterinarian para sa mga iba pang tikang para mapunggan ro pageapta ko rayang masakit sa tong mga alagang baboy,” pahayag pa ni Mayor Legaspi.

“Ro dayang virus hay owa it epekto sa tawo ag sa ibang pang mga kasapatan pero pwede kita nga mangin carrier ngani ginahinyo ko gid ro tanan nga magkalma eang kita ag indi magpanic eabi eun gid ro atung mga hograisers nga magkooperar kita sa atung lokal nga gobyerno para sa pag-implementar it mga biosecurity measures una mismo sa atun nga mga farms agod malikawan nga mag-abo pa ro kaso it ASF iya sa atong banwa,” dagdag pa nito.

Paalala pa ng alkalde, “Kung may una kita nga baboy nga may sintomas it ASF, pangabay magreport eagi sa atung barangay o opisina it atong DA iya sa munisipyo.”